Tuesday, February 01, 2005

Coming Back

iniintay pa rin kita,
kahit na alam kong
isang pangarap na lamang
ang iyong pagbabalik...

batid kong mali ito,
hindi dapat ganito.
pero anong magagawa ko?
hindi ko kayang ika'y kalimutan,
ewan ko ba kung bakit!!!

maraming beses na namang
ako'y nangakong lilimutin ka,
ilang beses na ring
sinambit na wala na,
ubos na, sa-id na ang aking
nadarama para sa iyo.
ngunit bakit nandito pa rin ako?
narito pa rin at naghihintay.

hindi ko na alam...
basta ang nais kong gawin,
mag-isip, magyosi at maghintay
sa iyong pagbabalik,
kahit abutin man ng katandaan
hanggang sa aking katapusan,
nandito lamang ako at maghihintay...

green

0 Comments:

Post a Comment

<< Home