Tuesday, May 03, 2005

Tulog

Nais kong matulog,
mahimlay sa piling
ng aking pinakamamahal
na kumot at unan,
sa lugar kung saan
malaya kong nakakamit
ang mga sandaling katahimikan
sa piling ng kutson sa aking kama.

sa piling nila
mataimtim kong nagagawa
ang lahat ng mga ninanais.
sa piling nila, kung saan
mahimbing ang aking isipan,
ang aking kaloobang binabalot
ng mga di maipaliwanag
na takot at pangambang
kaylanman ay di ko inaasahan...
...gusto ko nang matulog...
...tara na, tulog na tayo...

zzZZzzZZZzzz....