Thursday, May 05, 2005

kilometer64

km64
kilometer64 people on May1 mob

ang dami naming infairness ha?
hehehe...

Maybe Memories

Dito sa kalyeng ito nagsimula...
isang bahay sa metrica...
sa kanto ng metrica at dapitan
may tindahan ng tinapay.
sa cubao may farmers plaza...
goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd.
chowking sa kanto ng aurora at EDSA,
national bookstore sa may araneta colisium...
dyip na dumaraan sa espanya,
pila ng trisikel sa maceda sasakay
hanggang sa kanto ng maceda at dapitan...
sa kanto ng dapitan at maceda...
dito sa kanto ng maceda at dapitan...
lumulutang habang naglalakad
sa kahabaan ng maceda
hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan.

Farmers Plaza sa Cubao...
goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd.
seattle's best sa e. rodriguez
tanaw ang st. joseph college,
"ground coffee" habang nagyoyosi.
dyip na dumaraan sa espanya,
pila ng trisikel sa maceda sasakay
hanggang sa kanto ng maceda at dapitan...
sa kanto ng dapitan at maceda...
dito sa kanto ng maceda at dapitan...
lumulutang habang naglalakad
sa kahabaab ng maceda
hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan.

May farmers Plaza sa cubao...
goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd.
dunken donut na malapit sa fiesta carnival
dalawang donut at "brewed coffee"
tissue ng dunken donut.
sa paligid ng araneta center
matatagpuan ang araneta colisium,
yosi "break" sa tapat ng jollibee
na katabi ng national bookstore
sa may araneta colisuim...
dyip na dumaraan sa espanya,
pila ng trisikel sa maceda sasakay
hanggang sa kanto ng maceda at dapitan...
sa kanto ng dapitan at maceda...
dito sa kanto ng maceda at dapitan...
lumulutang habang naglalakad
hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan.

Dito sa isang bahay sa metrica...
harapan ng tindahan ng tinapay
sa kanto ng dapitan at metrica...
goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd.
chowking sa kanto ng aurora at EDSA,
national bookstore sa may araneta colisium.
seattle's best sa e. rodriguez,
dunken donaut na malapit sa fiesta carnival
kape, yosi, dalawang donut at ang tissue.
ang palibot ng araneta colisium,
dyip na dumaraan sa espanya,
trisikel at ang kahabaan ng maceda,
kanto ng maceda at dapitan...
sa kanto ng dapitan at maceda...
dito sa kanto ng maceda at dapitan...
mauulit pa kaya?nasaan na...
nasaan na tayo?wala na...
marahil alaala na lamang...

------------------------------------------------
minsan akong napadpad sa mga lugar na ito...
di ko alam kung bakit...
pero ang sarap ng feeling...at ang saya saya...
hay...MAYBE MEMORIES...

Tuesday, May 03, 2005

Tulog

Nais kong matulog,
mahimlay sa piling
ng aking pinakamamahal
na kumot at unan,
sa lugar kung saan
malaya kong nakakamit
ang mga sandaling katahimikan
sa piling ng kutson sa aking kama.

sa piling nila
mataimtim kong nagagawa
ang lahat ng mga ninanais.
sa piling nila, kung saan
mahimbing ang aking isipan,
ang aking kaloobang binabalot
ng mga di maipaliwanag
na takot at pangambang
kaylanman ay di ko inaasahan...
...gusto ko nang matulog...
...tara na, tulog na tayo...

zzZZzzZZZzzz....