Monday, June 27, 2005

Sa Alaala ni PsY-CoH!!!

Maaliwalas pa rin ang kuwarto
na kinalulugmukan ng kanyang kaluluwa...
dito nabuo ang mga pangarap
na matagal nang inaaasam.
sa kuwartong iyon marami na
ang nabunyag na mga sikreto,
ngunit walang tiyak na kasiguruhan
kung ano ang mga iyon.
sa kuwartong iyon malimit siyang mag-isa.
walang ibang kasama at kausap
maliban sa sarili niyang katauhan,
ang kanyang katauhang pilit
hinahanap ang sariling mundo.
sa kuwartong iyon marami na ang nabuo,
ang mga pag-iisip na hindi niya matanto
at malaman kung may kabuluhan
o meron bang patutunguhan.

Maaliwalas pa rin ang kuwartong iyon.
matagal nang panahon kase itong nabakante
sa mga salitang malimit banggitin
ng kanyang pagal na mga labi..

Maaliwalas pa rin ang kuwartong iyon.
kahit ngayong wala na si PsY,
parang walang pinagbago ang paligid,
kahit ngayong namaalam na si PsY,
parang naroon pa rin...
ang kanyang mga alaala,
ang kanyang pagkatao.

Namaalam na si PsY...
Patay na si PsY...
Subalit maaliwalas pa rin ang kuwarto.

Wala na si PsY...
Nagpaalam na si PsY...
Patay na...Patay na si PsY.

Pinatay ko siya...Pinatay ko si PsY!!!